Tensiyon sa Imus pinahupa
MANILA, Philippines – Sa opisina ni Senador Bong Revilla, nagpulong ang mga lider ng Muslim na naka base sa Cavite upang burahin ang tensyon sa bayan ng Imus kung saan naganap na barilan ng dalawang angkan na kumitil ng tatlong kamag-anak ng senador at tatlong iba pa.
Kabilang sa dumalo sa pagpupulong ay ang mga opisyal ng Office on Muslim Affairs (OMA), kung saan pinabulaanan nila ang usap-usapan na may balak ang Mus lim community na gumanti laban sa mga Bautista.
Tiniyak naman ni Sen. Revilla na wala silang intensyon na ilagay ang batas sa kanilang mga kamay at ipinaubaya na nila ang kaso sa pulisya, partikular na ang pagtugis sa mga pumaslang ng kanyang pinsang-buo, dalawang pamangkin at kanilang driver.
Sumaksi sa pagpupulong ay si Regional Director Bae Sinab Dimaampao ng OMA habang ang mga lider ng Muslim community naman ay sina Sultan Lanie Esmael, Hadji Malic Bauda, Hadji Macaagal, Hadji Jamil Guro, Rakman Macasilang at si Sultan Esmael na tumatayong pinuno sa Cavite.
Kabilang sa mga nasawi sa shootout noong Hunyo 21 na nagsimula lang sa alitan sa trapiko ay ang mag-amang sina Mahmod Sultan at Sowaib Salie, ang mag-aamang sina Raul Bautista, Raffy at Richie Allen Bautista, at ang drayber na si Michael Salanguit. - Malou Escudero
- Latest
- Trending