2 tinyente ng AFP pinabulagta

MANILA, Philippines - Dalawang tinyente ng Armed Forces of the Philippines ang iniulat na nasawi matapos na ratratin ng mga ban­didong Abu Sayyaf sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan kama­kalawa.

Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Romeo Brawner,  pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng dalawa na na­ka­talaga sa Army Engineering Brigade dahil hindi pa naipapaalam sa kani-kanilang pamilya.

Ang dalawa na siyang na­mamahala sa pagpapatayo ng eskuwelahan sa nabanggit na lugar ay lumabas lamang para bumili ng si­garilyo sa tindahan kung saan pinagbabaril naman ng mga bandido. (Ricky Tulipat)

Show comments