MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang pulis habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Barangay Navitas, Numancia, Aklan kamakalawa ng hapon.
Agad na nasawi ang biktimang si SPO1 Larry Sim, nakatalaga sa Police Assistance Center sa Purok 1 ng nasabing lugar .
Isinugod naman sa pagamutan si SPO1 Rodante Taboi, 44 taong gulang at kasamahan ng biktima na nagtamo ng tama ng bala sa hita.
Binabantayan ng dalawang pulis ang nasabing PAC nang paulanan ito ng bala ng mga suspek. (Joy Cantos)