^

Probinsiya

2 ex-pulis, guro dedo sa ambus

-

BATANGAS, Philippines – Dala­wang dating pulis at isang guro ang iniulat na napas­lang makaraang tamba­ngan ng mga ’di-kilalang ka­lalakihan sa magkahi­walay na karaha­sang na­ganap sa Lipa City at Ba­tangas City, Batangas ka­hapon at kamakalawa.

Kabilang sa mga napa­tay ay sina ex-SPO4 Bal­bino Claus ng Barangay Pallocan, Batangas City; at si Patrolman Alex Reyes, 48, ng Brgy. Maraouy, Lipa City at dating miyembro ng Lipa police station.

Napatay din ang ka-live-in ni Claus na si Serapia Soriano, guro sa grade 3 ng Malalim Elementary School matapos tamaan ng bala sa ulo na naisugod pa sa Jesus of Nazareth Hospital.

Ayon kay P/Supt. Jesus Gatchalian, provincial director ng Batangas PNP, bandang alas-6:30 ng umaga kahapon, ihahatid na sana ni Sgt.Claus si Soriano at ang 10-taong gulang na apo sa school sakay ng owner-type jeep (DTH-997) nang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Malalim, Batangas City.

Sa salaysay ng mga saksi, tumakas ang gunmen sakay ng puting kotse patungo sa ’di-pa mala­mang direksyon.

Samantala, pinagbabaril naman si Reyes habang nag­momotorsiklo sa Ayala Highway ng Brgy. Balin­ta­wak, Lipa City bandang alas-4:00 ng hapon kama­kalawa

Tumakas naman ang mga killer sakay ng puting L-300 van patungong Manila.

Inaalam pa rin ng mga imbestigador ng pulisya ang motibo ng pamamas­lang. Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYALA HIGHWAY

BARANGAY MALALIM

BARANGAY PALLOCAN

BATANGAS

BATANGAS CITY

BRGY

JESUS GATCHALIAN

JESUS OF NAZARETH HOSPITAL

LIPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with