Amo kinatay ng sinibak na worker

MANILA, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang negos­yante habang nasa kritikal namang kondisyon ang misis nito makaraang pagtatagain ng kanilang helper na sinibak sa trabaho kamakalawa sa bayan ng Sto. Tomas, Pam­panga.

Halos magkagutay-gutay ang ilang bahagi ng kata­wan ni Elmor Paras, 64, habang patuloy na ginagamot sa os­pital ang asawa nitong si Ade­laida, 58.

Naaresto naman at por­mal na kakasuhan ang sus­pek na si Jeffrey “Jepoy” de Guzman, 24, ng Barangay Sto. Do­ mingo, sa bayan ng Minalin.

Sa police report na isinu­mite sa Camp Crame, lumi­litaw na isinagawa ang kri­men sa loob ng restaurant na pag-aari ng mag-asawa sa Barangay Moras dela Paz sa bayan ng Sto. Tomas.

Nabatid na si De Guz­man ay namasukan bilang dishwasher sa restaurant ng mag-asawa sa loob ng isa’t kalahating buwan subalit nasibak dahil sa sinasabing palaging absent sa trabaho.

Nang makiusap at gus­tong bumalik sa trabaho si de Guzman ay tumanggi na ang mag-asawa kaya’t sumalu­bong si kamatayan sa negos­yanteng mister habang grabe naman ang misis nito.


Show comments