MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng pitong oras, nasagip ng mga awtoridad ang dalawang manggagawa na dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu kamakalawa.
Kinilala ni Supt. Jose Bayani Gucela, tagapagsalita ng Philippine National Police-Directorate for Integrated Police Operations Western Mindanao, ang mga nailigtas na bihag na sina Aspin Giminsil, 39 anyos, at Kadspar Abduhasan, 22, kapwa empleyado ng Zam boanga-base Alliance for Mindanao for Off Grade Renewable Energy.
Ang mga ito ay kasapi rin ng Jolo-based ILMOH ( Integrated Learning for Moslem Highlanders).
Dinukot ng may 10 bandido ang mga biktima sa Upper Sinumaan, Talipao nitong Huwebes.
Nang matanggap ang im pormasyon ay agad namang pinakilos ng PNP- DIPO Western Mindanao ang Sulu Provincial Police Office upang iligtas ang mga biktima.
Bandang alas-7:00 ng gabi matapos makakuha ng impormasyon ay nagsagawa ng operasyon ang Talipao Municipal Police Station sa pamumuno ni Inspector Jeff Sherwin Ramos sa tulong ng Citizens Emergency Forces at Barangay Chairman Bud Bunga.
Napilitan naman ang mga kidnapper na abandonahin ang mga bihag sa takot na maubos sila sa bakbakan kung saan ay ligtas ang mga itong naibalik ng mga awto ridad sa kanilang pamilya.