Misis inaresto sa pagsuot ng military uniform
MANILA, Philippines – Isang ginang ang inaresto ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Barangay Balingasag, Bago City, Negros Occidental dahil sa iligal na pagsusuot ng military uniform.
Kinilala ng militar ang babae na si Judy Celeste, 38-anyos, residente ng Barangay Bungahin, Isabela sa naturang lalawi gan.
Minamaneho ni Celeste ang isang motorsiklo nang harangin at arestuhin siya ng mga tauhan ng Bago City Police at ng Negros Provincial Police Office Special Operations Task Force sa inilatag nitong checkpoint.
Sinabi ng militar na nakasuot si Celeste ng Army camouflage fatigue uniform at Army headgear habang sakay ng kaniyang motorsiklo galing sa Bacolod City.
Bukod dito, wala rin siyang suot na helmet nang maharang sa checkpoint.
Ang pagsusuot ng mga sibilyan ng uniporme ng militar ay mahigpit na ipinagbabawal dahil ginagamit rin ito ng mga rebeldeng New People’s Army na nagkukunwaring mga sundalo sa paglulunsad ng mga pag-atake. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending