NPA camp nakubkob, 2 utas
TABUK, Kalinga, Philippines – Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakubkob ng tropa ng militar ang malaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army kung saan dalawang rebelde ang iniulat na napaslang kahapon ng madaling-araw sa kagubatan ng Sitio Tog-og sa Barangay Ba-ay, Pinukpok, Kalinga.
Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang tropa ng 21st Infantry Battalion sa pamumuno ni 2nd Lt. Engelbert Callao at 51st Military Intelligence Company nang madiskubre ang kampo ng NPA na may 15-bunker.
Sumiklab ang ilang minutong putukan hanggang sa bumulagta ang dalawang rebelde habang sugatan naman sina 2nd Lt. Engelbert Callao at Pfc Elvis Bautista.
Nadiskubre sa kampo ang ilang sako ng bigas, personal na gamit at mga subersibong dokumento.
May teorya ang mga opisyal ng militar na grupo nina Rudy “Ka Pinpin” Daguitan ng Samahanang Yunit Pampropaganda 3 at Antonio “Ka Senyas” Cagyawan ng Larangang Yunit Gerilya na may codename na Baggas, ang nakasagupa ng mga sundalo.
Ayon kay Callao, ang dalawang grupo ay nasa talaan ng military’s Order of Bttle. Artemio Dumlao, Victor Martin
- Latest
- Trending