^

Probinsiya

4 miyembro ng Darang group tiklo sa drug bust

-

BAGUIO CITY, Philippines – Apat-katao kabilang ang dala­wang menor-edad na babae ang inaresto ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agen­cy-Cordillara at lokal na pulisya sa isinagawang drug bust operation sa bisinidad ng Crystal Cave sa Baguio City, ayon sa ulat kahapon.

Sumasailalim sa intero­gasyon ang mga suspek na sina Alekan Madid y Datu­manong alyas Aliekan Madid y Hadji (Alvin), 24, ng Ma­ging, Lanao Del Sur; asawa na si Snauray Madid y Da­rang alyas Snauriay Sabu­yu­­gan y Madid, 27, ng Nar­ra, Palawan at dalawang me­nor-de-edad na babae na sina­sabing anak ni Unos Da­rang, leader ng Darang drug group na nagpa­pakalat ng shabu sa Baguio at Benguet.

Hindi naman nadatnan sa bahay ang asawa ni Unos na si Hanipa Darang.

Ayon kay Phil. Drug Enforcement Agency-Cordillera spokesperson Emelyn Fa­ma, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Marybelle Dew­mot Marinas ng Regional Trial Corut, 1st Judicial Region sa La Trinidad, Ben­guet Branch 8, ang mga sus­pek ay na­aresto sa ba­hay na may close circuit television cameras.

Nasamsam sa bahay ng mga suspek ang mga sachet ng shabu, drug paraphernalia, kemikal, baril na walang lisensya, iba pang deadly weapon, at ang drug money bank account.

Ayon sa kay Fama, ang grupo ni Darang ay kumu­kuha ng shabu sa Cavite, Dagupan City at Urdaneta City sa Pan­gasinan, Culiat sa Quezon City at sa Taguig City, Metro Manila.

Bineberipika pa ng PDEA kung ang negosyo ng mag-asawang Darang ay gina­gamit na ‘front’ sa kanilang posisyon sa Muslim vendors association sa Baguio City na sinasabing protektado.

Ang mag-asawang Ma­did na nasa talaan ng drug personalities sa Cordillera Region ay ka-grupo ng Da­rang at naaresto na noong March 8, 2005, kabilang na sina Del­fin Lomibao, Oliver Buado at si Joel Buado sa isinagawang buy-bust operation sa Buka­neg St., Baguio City kung saan na­samsam ang 45.2 gramo na nagkakahalaga ng P.5 milyon.

Gayon pa man, na-dismiss ang kaso ng mag-asawang Madid sa prosecution level pa lamang noong Abril 29, 2005. Artemio Dumlao

vuukle comment

ALEKAN MADID

ALIEKAN MADID

ARTEMIO DUMLAO

AYON

BAGUIO CITY

CITY

CORDILLERA REGION

CRYSTAL CAVE

DARANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with