Manager ng resto, dinedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Binaril at napatay ang isang manager ng restaurant ng di-pa kila­lang lalaki kamakalawa ng gabi sa panibagong kara­hasang naganap sa Barangay Ibingay sa Masbate City, Masbate. Hindi na umabot pa ng buhay sa Masbate Provincial Hospital si Dexter Fernandez, 32, may asa­wa, floor manager ng Padis Point Resto Barbar at residente ng Brgy. PC Camp Site, Masbate City. Batay sa police report, nakikipag-usap ang biktima sa waiter na si Mark Veloso sa lobby ng nasabing restaurant nang lapitan at barilin sa ulo ng maskaradong lalaki. - Ed Casulla


Show comments