^

Probinsiya

2 patay sa pamamaril

-

BATANGAS, Philippines – Dalawa-katao kabilang ang isang 38-anyos na dating barangay konsehal ang iniulat na napaslang sa panibagong karahasang naganap sa Brgy. Aguila sa bayan ng San Jose, Batangas kahapon.

Kinilala ni P/Chief Inspector Manuel Castillo, hepe ng San Jose PNP, ang mga biktimang sina Romeo Atienza, dating kagawad ng nabanggit na barangay at ang 12-anyos na si Jelly Dimas na tinamaan ng ligaw na bala ang baril.

Ayon sa police report, nakatayo lang sa harap ng kanyang bahay si Atienza nang biglang dumating ang mga di-kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.Napag-alamang nakatakbo pa sa loob ng bahay ng kanyang kapatid si Atienza pero hinabol din ng dalawa at pinagbabaril.

Nagkataon namang dumaraan ang batang si Jelly nang tamaan ng ligaw na bala sa batok. (Arnell Ozaeta)


vuukle comment

AGUILA

ARNELL OZAETA

ATIENZA

AYON

BATANGAS

BRGY

CHIEF INSPECTOR MANUEL CASTILLO

JELLY DIMAS

ROMEO ATIENZA

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with