6 'pulis' nanloob sa bahay-kalakal
CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang milyong halaga ang natangay ng mga armadong kalalakihan na nakauniporme ng pulis makaraang looban ang isang establisamyento kahapon ng madaling-araw sa Barangay Sampaloc sa bayan ng Dasmariñas, Cavite.
Base sa police report, anim na kalalakihan nagpanggap na mga pulis ang pumasok at ninakawan ang Business People, Inc. na nasa Platinum Bldg. bandang alas-2 ng madaling-araw.
Walang nagawa ang security guard na si Jeffrey Salvador matapos disarmahan bago wasakin ang safety vault na kinalalagyan ng malaking halaga. Nakatakas ang mga nanloob sakay ng puting van na walang plaka. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending