16 tiklo sa illegal fishing
CAMARINES NORTE, Philippines – Labing-anim na kalalakihan na sinasabing sangkot sa illegal fishing ang naaresto ng mga awtoridad sa Dahica Bay, Calanay Island sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte noong Biyernes.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Nelson Bellen, piloto ng F/B Edgar Jerusalem; Eddie Demesa, Emie Aman, Dario Sevinio, Nonilon Encontro, Jose Sonit, Jay Ingay, Mario Comendo na pawang mga residente ng Brgy Calero; Nirio Villar, Pio Estabaya, Oscar Arnido, Rodel Ankahas, Samuel de Bina, Ramil Paulo na pawang mga residente naman ng Brgy Larap; at ang magpinsang sina Louie at Roy Caldit na lulan ng F/B Mercy Riñon.
Natuklasan pa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na karamihan sa nalambat na isda ng F/B Edgar Jerusalem ay ginamitan ng dinamita, bagamat walang narekober na dinamita sa loob ng bangka. (Francis Elevado)
- Latest
- Trending