P5M palengke naabo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umaabot sa P5 milyong halaga ng mga paninda at ari-arian ang iniulat na naabo matapos masunog ang palengke sa Barangay Tallang sa bayan ng Baggao Cagayan, kamakalawa. Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umaabot sa 11-tindera ang nilamon ng apoy dakong alas-12:00 kamakalawa. “The fire originated from one of the service drop wires connected to one of the affected stalls,” pahayag ni BFP Deputy Fire Marshall Senior Fire Officer Bobby Espiritu. Napag-alaman pa na ang nasabing sunog ay na­sabay sa nakatakdang pag­diriwang ng Calan­tangan Festival ng Tallang, Baggao na gaganapin sa Linggo. Victor Martin


Show comments