^

Probinsiya

Matapos ang 60-araw na suspension., Mayor, balik-serbisyo

-

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matapos ang dalawang buwan na suspension dahil sa kasong abuse of authority ay nag­balik sa serbisyo noong Lu­nes ang kilalang anti-mining na alkalde ng bayan ng Buguey, Cagayan.

Sa pahayag ni Mayor Ignacio Taruc, na ipagpa­pa­ tuloy pa rin niya ang sini­mulang laban upang tutulan ang controversial black sand mining o magnetite ex­traction project sa kanyang nasasakupang bayan.

“We will continue to oppose any activities that would endanger the lives of our constituents and the future of our environment, our supporters even staged a vigil to express their opposition to any destabilization attempts that would prevent my return,” dagdag ni Mayor Taruc.

Noong Marso 2009 ay pinatawan si Taruc ng 60-day preventive suspension ng mga miyembro ng provincial board batay sa kasong abuse of authority na inihain ni Vice Mayor Licerio Anti­porda III dahil sa pagkaka­sibak sa ilang kawani ng munisipyo.

Subalit, naniniwala ang mga tagasuporta ng nasa­bing alkalde at ang Simba­hang Katoliko na ang suspension ay may kinalaman sa pagtutol ni Mayor Taruc sa black sand mining na na­unang binigyan ng pahin­tulot ng provincial government. 

Samantala, pinasala­ma­tan naman ni Taruc si DENR Secretary Lito Atien­za ma­tapos magpalabas ng suspension order noong Abril 22 upang itigil ang pagmimina sa nasabing bayan.

 “The Department of Environment and Natural Resources (DENR) had suspended the black sand mining project in our town for violations of Batas Pambansa 256, which prohibits mineral extraction within 200 meters from the coastline,” pahayag pa ni Taruc. Victor Martin

BATAS PAMBANSA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MAYOR IGNACIO TARUC

MAYOR TARUC

NOONG MARSO

SECRETARY LITO ATIEN

SHY

TARUC

VICE MAYOR LICERIO ANTI

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with