Brgy. secretary itinumba
CAVITE, Philippines – Isang opisyal ng barangay ang iniulat na binaril at napatay sa loob ng kanyang tahanan kamakalawa sa Brgy. San Antonio De Padua 1 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ana Macabare, 51, brgy secretary ng Blk 7 Lot 1 ng nabanggit na barangay. Samantalang nasa malubhang kalagayan ang suspek na si Buenaventura Padiz, matapos naman itong barilin ng hepe ng tanod ng Brgy. Sta. Maria.
Base sa police report, lumilitaw na naaresto si Padiz matapos ang follow-up operation ng pulisya kasama ang hepe ng tanod na si Sabino Giatao. Sa kasalukuyan ay tugis naman ng pulisya si Giatao. (Cristina Timbang)
- Latest
- Trending
















