^

Probinsiya

120 kilong US pork meat nasamsam

-

BAGUIO CITY, Philippines – Upang maiwasan ang pagkalat ng swine flu, 120 kilong imported na karne ng baboy mula sa United States na pinaniniwalaang ibinebenta sa Baguio City public market ang nasamsam ng mga awtoridad noong Huwebes ng umaga.

Nadiskubre ng mga ta­uhan ng National Meat Ins­pection Commission na ang imported na karne ng baboy ay naipuslit kahit hindi naipoproklamang ban ang nasabing karne dahil sa worldwide alert na Mexican Swine Virus, ayon sa local radio station Bombo Radyo kahapon.

Ipinaliwanag ng NMIS na kahit hindi pa naipo­proklama na bawal ang imported na karne dahil sa swine flu ay maaari pa ring kumpiskahin para mase­guro ang kalig­tasan ng publiko.

Samantala, dahil sa world­­wide alert, nagsimu­lang maramdaman ng mga meat vendor sa public market ang pagdausdos ng ben­tahan ng karne ng baboy dahil sa kumalat na balita kaugnay sa swine virus.

Kasunod nito, nagpa­kalat na ng mga checkpoint sa entrance at exit point sa Ilocos Sur para masiguro na hindi makakapasok ang kilu-kilong karne ng baboy na si­nasabing apektado ng swine flu. - Artemio A. Dumlao


ARTEMIO A

BAGUIO CITY

BOMBO RADYO

DUMLAO

HUWEBES

ILOCOS SUR

MEXICAN SWINE VIRUS

NATIONAL MEAT INS

SHY

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with