^

Probinsiya

PNP official ginulpi sa bar

-

MANILA, Philippines – Nagkapasa-pasa ang buong katawan at mukha ang inabot ng team leader ng night watch patrol ng pulisya makaraang pag­tulungan bugbugin ng dalawang lalaki na nag-amok sa loob ng bar sa bayan ng Bulan, Sorsogon kamakalawa. Putok ang noo habang nagtamo rin ng mga sugat at galos sa iba pang bahagi ng katawan si P/Senior Inspector Fernando Bolanga. Arestado naman ang dalawang suspek na sina Jecholino Geraldino at Joe­bert Geraldino.  Batay sa police report, lumilitaw na rumes­ponde ang biktima kasama ang kanyang grupo matapos ma­katanggap ng impormasyon na may kaguluhan sa loob ng Fire­house Videoke bar sa Zone 4. Papalapit pa lamang si Bolanga sa la­mesa ng dalawang suspek nang hatawin ito ng bote ng beer at pagtulungang gulpihin. Agad namang sumaklolo ang mga kasamahang pulis ni Bolanga  na sina SPO2 Charlie Afable, PO2 Rommel Chil  at P/Inspector Arevalo kaya nasakote ang dalawa. -

Joy Cantos

vuukle comment

ARESTADO

BATAY

BOLANGA

BULAN

CHARLIE AFABLE

INSPECTOR AREVALO

JECHOLINO GERALDINO

JOY CANTOS

ROMMEL CHIL

SENIOR INSPECTOR FERNANDO BOLANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with