^

Probinsiya

Anak napatay ng ama

-

BATANGAS, Philippines

– Napaaga ang karit ni kamatayan sa isang batang lalaki makaraang mabaril ng sariling ama habang nasa loob ng resort sa Tanauan City, Batangas kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Willy Atun, hepe ng Tanauan City PNP, ang biktima na si Richard Allen Casalne, pangalawa sa bunsong anak ni Ricardo Casalne, caretaker ng Casita de Jose Resort sa Barangay Bañadero, Tanauan City. Base sa police report, lumitaw na aktong babarilin ni Ricardo ang asong gala na nagkakalat sa kanilang resort nang bigla na lang sumulpot ang kanyang anak at aksidente nitong mabaril sa ulo. Mabilis namang naisugod sa St. Andrews Hospital sa Talisay at inilipat sa Ospital ng Muntinlupa pero namatay din dahil sa maselang lagay. Kasalukuyang nakadetine na si Casalne at nakatakdang kasuhan.

Arnell Ozaeta

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BA

BATANGAS

CASALNE

JOSE RESORT

KASALUKUYANG

RICARDO CASALNE

RICHARD ALLEN CASALNE

ST. ANDREWS HOSPITAL

TANAUAN CITY

WILLY ATUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with