MANILA, Phillippines - Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga armadong kalalakihan na sinasabing miyembro ng Moro Islamic Liberation Front makaraang pasabugin ang tulay sa Iligan City, Lanao del Norte kahapon ng madaling-araw.
Base sa ulat ng Army regional spokesman, bandang ala-1:40 ng madaling-araw nang pasabugin ang Agus Bridge kung saan lumikha ng pinsala sa mga katabing kabahayan at bodega ng National Power Corporation.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa pagsabog. Joy Cantos