P160-milyon kontrabando nasabat
PAMPANGA , Philippines —Tinatayang aabot sa P160-milyon kontrabando ang nasamsam makaraang salakayin ng awtoridad ang pagawaan ng piniratang DVDs at CDs kahapon sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay OMB Chairman Edu Manzano, ito na ang pinakamalaki at pinakamodernong pabrika ng mga pirated optical media materials na kanilang natuklasan sa taong ito.
Bukod dito, nadiskubre rin na pagawaan din ito ng mga CDs dahil sa nasamsam na mga poly carbonate at ilan pang plastic material.
Napag-alaman kay PASG Usec. Antonio Villar Jr., posibleng nakatunog na ang may-ari ng pabrika na sina Gilbert at Elizabeth Lee kaya hindi na inabutan ng raiding team kahapon. (Dino Balabo)
- Latest
- Trending