^

Probinsiya

Engineer napisak sa sasakyan ng doctor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang engineer matapos magulungan ng sasakyan ng doktor matapos na sumemplang siya sa minamanehong motorsiklo sa San Manuel, Isa­bela, iniulat kahapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Engr. Emerson Fernandez, residente ng District 3, San Manuel, Isabela habang hawak naman ng pulisya ang driver ng kotse na si Dr. Christian Sok-ang.

Ayon kay PMaj Jojo Turingan, hepe ng San Manuel Police Station, naganap ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay District 3, San Manuel, Isabela.

Sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan habang papasok naman sa trabaho si Sok-ang.

Bigla na lamang sumemplang ang biktima at tumilapon ito sa kalsada dahilan para magulungan ng kasalubong na sasakyan ng suspek.

Isinugod naman sa ospital ang biktima su­balit idineklara na patay ng umatending doktor sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with