^

Probinsiya

Brgy. Kagawad na IP leader, itinumba

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Brgy. Kagawad na IP leader, itinumba
Kinilala ni Leticia Datuwata, supreme tribal head ng Timuay Justice and Governance, ang biktima na si Elvin Moires, isang konsehal mula sa Barangay Bongo sa South Upi.
File

COTABATO CITY, Philippines — Tinutugis na ng pulisya ang isang gunman na pumatay sa isang barangay kagawad at indigenous people (IP) leader sa seremonya ng kasal sa South Upi, Maguindanao del Sur, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Leticia Datuwata, supreme tribal head ng Timuay Justice and Governance, ang biktima na si Elvin Moires, isang konsehal mula sa Barangay Bongo sa South Upi.

Dumalo si Moires sa isang IP wedding nang inatake siya ng hindi pa kilalang gunman.

Isinugod ng mga tagabaryo si Moires sa isang ospital sa Poblacion Timanan, ngunit idineklara itong dead- on-arrival.

Ang motibo ng pagpatay ay nananati­ling hindi alam, ngunit binanggit ni Datuwata na si Moires ay isang vocal advocate sa mga isyu na nakakaapekto sa mga IP community kabilang ang pangangamkam ng lupa, harassment, at displacement na dulot ng presensya ng mga armadong grupo.Nakaligtas siya sa nakaraang pag-atake noong 2018.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->