Mag-ama todas sa butete
CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa mag-amang mangingisda matapos kumain ng pritong butete noong Linggo ng tanghali sa bayan ng San Narciso, Zambales. Kinilala ni P/Senior Supt. Rolando Felix, Zambales police director, ang mag-amang Jimmy Santos Sr. 55; at Jimmy Jr., 8, kapwa residente ng Brgy. La Paz. Samantala, malubha naman ang asawang si Arcena Santos, 49, na nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng tiyan ay dinala sa San Marcelino District Hospital. Nabatid na ang pamilya Santos ay malimit kumain ng butete subali’t noong Linggo ay maaaring hindi natanggal ang lahat ng lason, ayon kay Felix. Ric Sapnu
- Latest
- Trending