^

Probinsiya

Pabahay sa mga kawani ng pamahalaan

-

OLONGAPO CITY , Philippines  – Mabebenipisyuhan ng pa­bahay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan par­tikular na ang mga guro, bumbero at pulis-Gapo makaraang lagdaan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang low-cost mass housing project na itatayo sa Barangay New Cabalan, Olongapo City.

Ayon kay Olongapo City Mayor James Gordon Jr., ang naturang proyekto na kikilalanin bilang Fiesta Communities-Olongapo, ay ang sinasabing kauna-unahan sa kasaysayan ng Olongapo magmula nang maideklara itong highly urbanized city.

Napag-alamang aabot sa tatlong taon bago ma­ipatayo ang pabahay na gagawin ng Hausland Development Corp. mabibi­yayaan ang mga pamil­yang may low-and average income sa mga bayan ng Porac, Mabalacat, Pam­panga.

Nabatid sa ulat ng Hausland Developer na pinamumuan ni Wilfredo Tan, pangulo at ceo, ang project ay nakapuwesto sa 3.6-ektaryang lupain na pagtatayuan ng 337 housing units kasama na ang mga community facilities tulad ng multi-purpose hall.

Ayon pa kay Tan, ang monthly payment para sa pabahay ay P3,659 per unit na maaaring bayaran sa loob ng 30-taon at sa abot-kayang interest na 7 percent per annum. (Alex Galang)

ALEX GALANG

AYON

BARANGAY NEW CABALAN

FIESTA COMMUNITIES-OLONGAPO

HAUSLAND DEVELOPER

HAUSLAND DEVELOPMENT CORP

MABALACAT

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR JAMES GORDON JR.

WILFREDO TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with