3-anyos ginilitan ng ama

BULACAN, Philippines – Animo’y ma­nok na ginilitan at nama­tay ang isang 3-anyos na babae ng kanyang ama na sinasabing tumanging ma­kipaghiwalay ang ina ng una sa Malolos City, Bucalan kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa Bulacan Provincial Hos­pital dahil sa pagkaubos ng dugo ng biktimang si Hanna Lope ng Barangay Sum­paang Bata ng nabanggit na lungsod, samantalang kinu­yog naman ng mga kapit­ba­hay ang suspek na si Rolan­do Ambrocio, 29, ng Villa Tech Palatiw, Pasig City.

Napag-alamang magka-live-in ang suspek at ina ng biktima na pinaniniwalaang may planong hiwalayan ang lalaki sa hindi nabatid na da­hilan.

Sa report ni P/Supt. Emma Libunao kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, lumitaw na tinungo ng suspek ang bahay ng kanyang ka-live-in na si Ramona para maki­pagkomprontasyon kaugnay sa plano nitong pakikipag­hiwalay.

Napag-alamang hindi naman inabutan ng suspek na nagpupuyos sa galit ang kanyang pakay kaya ang biktimang bata ang napag­diskitahang hablutin sa ha­rapan ng lolo nito at nagban­tang papatayin kapag hindi lumutang ang kanyang ka-live-in.

Nagawa naman nakipag­negosasyon ng lolong si Ro­lando Misayah laban sa sus­pek na iniakma ang matalas na patalim sa leeg ng bik­timang nag-iiiyak.

Dahil unti-unting luma­ lapit ang mga kalalakihang kapit­bahay ay nataranta at tulu­yang ginilitan ng suspek na pinaniniwalaang sina­pian ng masamang espiritu. Boy Cruz

Show comments