^

Probinsiya

Konsehal dedo sa granada

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Isang konsehal ng barangay ang iniulat na nasawi habang limang iba pa ang nasugatan ma­ka­raan sumabog ang granada na inihagis ng ’di-pa kilalang lalaki sa karamihan ng tao sa Barangay Fort Pikit sa bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, ang nasawi na si Konsehal Sandab Manan, 42, ng nabanggit na barangay. Kabilang naman sa limang nasugatan ay sina Alman Dalgan, 31; Lamalan Silongan, 54; Romeo Lumigas, 35; Don­don Acosta, 16; at El Yumar Buda, 31, nakababatang utol ng Comelec in-charge ng Pikit na si Omar Buda at si Chairman Elpidio Buda ng Brgy. Poblacion.

Napag-alamang inihagis ang granada sa harapan ng bahay ni Buda kung saan maraming tao. May teorya ang pulisya na puntirya ng pag­papasabog ay si Chairman Buda na may pagbabanta sa kanyang buhay subalit nadamay ang iba. (Malu Manar)

vuukle comment

ALMAN DALGAN

BARANGAY FORT PIKIT

CHAIRMAN BUDA

CHAIRMAN ELPIDIO BUDA

EL YUMAR BUDA

ELIAS DANDAN

KONSEHAL SANDAB MANAN

LAMALAN SILONGAN

MALU MANAR

PIKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with