2 tinedyer nalunod

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines – Dalawa sa apat na magkakaibigang tinedyer na sinasabing du­mayo at magkakasamang nag-picnic ang iniulat na na­lunod matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa ka­ragatang sakop ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Cas­tilla, Sorsogon kamakalawa.

Kinilala ang dalawa na sina Albert Tabuso, 17; at Eric Deniega, 18. Saman­tala, naka­ligtas naman sina Mark Raymund, 18; at Noel Dayro, 19, pawang naninirahan sa Brgy. Estanza, Le­gazpi City, Albay.

Ayon sa ulat, lulan ng bangkang sibid-sibid ang mga biktima patungo sa isang isla para mag-outing nang salpukin ng malaking alon kaya magka­kasamang lumubog at dalawa lamang ang nakaligtas. Ed Casulla

Show comments