Mayor inihabla
MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal ng Office of the Ombudsman si Gapan City Mayor Ernesto Natividad sa Sandiganbayan matapos na akusahang utak umano sa pagpatay sa lima katao sa loob ng isang sabungan tatlong taon na ang nakakalipas.
Nahaharap si Natividad sa kasong “multiple murder” matapos masilip ng Ombudsman na may “probable cause” sa pagiging utak umano sa pamamaslang sa mga biktimang sina Erickson at Ebertson Pascual at tatlo pa katao na nadamay sa pamamaril noong Marso 20, 2006 ng mga armadong lalaki sa Gapan Coleseum and Cockpit Arena na pag-aari ng mga Pascual.
Bukod kay Natividad, 23 pa ang sinampahan ng naturang kaso kabilang na sina Dalia Cruz, Jobert Dumlao, Crisanto Mateo, Dennis Matias, Romeo Natividad, Ricardo Peralta, Randy Puno, Lorenzo Rueda at iba pang mga John Does. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending