^

Probinsiya

Parak patay sa heat stroke

-

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang init ng panahon, isang pulis ang nasawi sa heat stroke sa ka­sagsagan ng ehersisyo alin­sunod sa ipinatutupad na Physical Fitness Test ng Philippine National Police sa Gov. Melanio Singson Memorial Sports Complex sa Barangay Alibagu, Ila­gan, Isabela ka­ma­kalawa.

Kinilala ang biktima na si PO3 Marianito Bolima, 40 anyos, ng 206th Provincial Mobile Group sa Cauayan City at nagsisilbi bilang pan­samantalang police security escort ni Isabela Vice Governor Ramon Reyes.

Nasa kasagsagan ng page-ehersisyo si Bolima nang bigla siyang bumag­sak sa Oval Sports Complex sa kalagitnaan ng ka­nilang 2 kilometer run­ walk.

Ang biktima ay hindi na umabot ng buhay sa paga­mu­tan na pinaniniwalaang na­sawi sa matinding sikat ng araw na sinabayan pa ng matinding pagod o ‘heat stroke.’

Nabatid na natapos pa ni Bolima ang mga naunang fitness test na push up, pull up at sit up bago naganap ang insidente.

Sinabi naman ng misis ng pulis na wala siyang alam na sakit ng biktima at masigla pa itong umalis sa kanilang bahay kaya na­gulat siya nang ipabatid na patay na ang kanyang ka­biyak.

Sinabi ni Supt. Cleto Manungas, Medical Officer ng PNP, na cardiac arrest secondary to heat stroke ang ikinasawi ni Bolima. (Joy Cantos at Victor Martin)

BARANGAY ALIBAGU

BOLIMA

CAUAYAN CITY

CLETO MANUNGAS

ISABELA VICE GOVERNOR RAMON REYES

JOY CANTOS

MARIANITO BOLIMA

MEDICAL OFFICER

MELANIO SINGSON MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with