^

Probinsiya

Anak ng NPA kumander kinidnap

-

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang may kinalaman ang militar sa pagkawala ng isang anak ng kumander ang mga rebeldeng New People’s Army kamaka­lawa maka­raang kidnapin ng mga armadong kalalaki­han sa bisinidad ng Sitio Bago Aplaya sa Barangay Ta­lomo, Davao City.

Kinilala ni P/Senior Supt. Ramon Apolinario, ang bik­timang kapapasa pa la­mang sa National Teach­er’s Board Examination ay si Rebelyn Pitao, 21, guro sa St. Peter’s School sa Toril District at anak ni Leon­cio Pitao, kilala sa alyas Commander Parago.

Si Parago ay lider ng Pu­­lang Bagani Command ng New People’s Army na may operasyon sa mga lib­lib na bahagi ng Davao City.

Base sa police report, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insi­den­te kung saan lulan ng traysikel ang biktima nang harangin ng mga arma­dong lalaki at sapilitang isinakay sa kulay puting van na may plakang LPG 588.

Kaagad naman kumilos ang mga tauhan ni Army Major Gen. Reynaldo Ma­pagu, hepe ng 10th Infantry Division sa Camp Pa­nacan, para tugisin ang mga kidnaper. 

Malaki ang paniniwala ng ina ng biktima na mga security forces ng pama­halaan ang nasa likod ng pagdukot upang mapa­suko ang NPA commander.

Samantala, inakusahan naman ni Bayan Muna Southern Mindanao chair at ex-Rep. Joel Virador, na ang militar ang pangu­nahing suspek sa pag­dukot sa biktima, subalit kinontra naman ni dating AFP 5th Civilian Relations group chief Major Medel Aguilar, ang akusasyon ni Virador at sinabing propaganda lamang ng mga mili­tanteng grupo ang nasa­bing isyu.

Magugunita na si Commander Parago ay sina­sabing nasa likod ng pag­dukot kay ret. Brig. Gen. Victor Obillo at aide nitong si Captain Eduardo Mon­tealto sa Sitio Kalatong, Baguio District sa Davao City noong 1998.

Nabatid din na ang grupo ni Parago ay sinasa­bing nasa likod din ng serye ng karahasan sa Davao. Joy Cantos at Edith Re­galado

vuukle comment

ARMY MAJOR GEN

BAGANI COMMAND

BAGUIO DISTRICT

BARANGAY TA

BAYAN MUNA SOUTHERN MINDANAO

COMMANDER PARAGO

DAVAO CITY

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with