2 retiradong pulis nilikida
PANGASINAN – Pinaniniwalaang may kinalaman sa gun-running activities kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang dalawang dating pulis noong Sabado ng gabi sa bisinidad ng Barangay San Andres sa bayan ng Umingan, Pangasinan.
Ang mga biktimang natagpuan sa gilid ng highway ay nakilalang sina ex-SPO3 Eduardo Ponseca, 49, ng Brgy. San Vicente East sa bayan ng Asingan; at ex-PO3 Eduardo Alcantara, 52, ng Brgy. Cabacaran sa bayan ng San Manuel, Pangasinan.
Narekober ng pulisya sa crime scene, ang dalawang baril, isang granada, mga bala ng iba’t ibang uri ng baril, dalawang celpon, dalawang pitaka at traysikel na Kawasaki Bajaj.
Napag-alamang bago maganap ang pamamaslang, ay bumisita muna ang dalawa sa isang barangay captain sa nabanggit na bayan.
Sinisilip ng mga imbestigador kung may kinalaman sa gun running activities ang krimen dahil sa mga text messages na nasa celpon ng mga biktima.
- Latest
- Trending



















