^

Probinsiya

Chua, nalo sa Comelec recount

-

CAVITE – Nagsimulang sumikat ang araw sa dala­wang taong paghihintay na ina­asam-asam ng taum­bayan matapos ideklara ng Commission of Elections (Comelec) ang tunay na nanalong vice mayor ng Cavite City sa lalawigan ng Cavite noong May 2007 elections.

Sa 248-pahinang desis­yon na nilagdaan nina Commissioner Rene Sar­miento, Leonard Leonida at Ar­mando Velasco ng 1st Division ng Commission on Elections, iprinoklama bi­lang nanalong kandidato sa pagka-bise al­kalde si Dino Carlo R. Chua ng Ka­bali­ kat ng Malayang Pili­pino (Kampi) at pinawa­lang bisa ng Comelec ang pro­­kla­masyon ni Romeo Ra­mos ng Liberal Party bilang bise alkalde ng Cavite City.

Base sa resulta ng recount ng Comelec, si Chua ay na­ ka­kuha ng 14,648 na boto la­ban sa nakuhang boto ni Ra­mos na 14,100 kaya luma­mang ng 548 na boto si Chua na naka­takdang ma­num­pa anu­mang oras nga­yon.

Napag-alamang libu-li­ bong pekeng balota ang na­diskubre ng Comelec na idi­neklarang inbalido dahil sa sinasabing iisang tao lamang ang sumulat.

Ito ay nagpapatunay na may naganap na dayaan sa ilang polling precinct sa Cavite City noong May 2007 elections.

Kasunod nito, ikinatuwa na­man ng mamamayan at mga opisyal ng barangay ang resulta ng recount ng Comelec.

“Masaya kami at luma­bas din ang katotohanan at tunay na boses ng taum­bayan,” pahayag ni Ba­rangay Chairman Christopher Paredes. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

CAVITE CITY

CHAIRMAN CHRISTOPHER PAREDES

CHUA

COMELEC

COMMISSION OF ELECTIONS

COMMISSIONER RENE SAR

DINO CARLO R

LEONARD LEONIDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with