2 utas sa hit-and-run

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Dalawa-katao na sinasabing magkaangkas sa motorsiklo ang iniulat na nasawi makaraang mahagip ng di-pa nabatid na uri ng sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Paulog sa bayan ng Ligao City, Albay kahapon ng madaling-araw.

Naisu­god pa sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital subalit idineklarang patay ang dalawang di-pa nakikilalang kalalakihan.

Ayon sa ulat, naipagbigay-alam ng ilang motorista ang naganap na sakuna kaya kaagad naman rumesponde ang pulisya subalit walang makuhang mapagkikilanlan sa mga biktima sakay ng motorsiklo na may plakang 3791 EF at tinata­yang nasa edad 35 hanggang 40-anyos. (Ed Casulla)

Show comments