^

Probinsiya

Sulyap Balita

-

10 tauhan ni Bravo, sumuko

Umaabot sa 10-rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na sinasabing mga tauhan ni Kumander Bravo ang iniulat na sumuko sa tropa ng militar sa Lanao del Norte, ayon sa ulat kahapon. Ayon sa Kumander ng 104th Brigade ng Phil. Army na si Colonel Benito de Leon, sumuko kay Lt. Col. Juvymax Uy ng Army’s 43rd Infantry Battalion, ang sampung tauhan ni Kumander Abdulrahman Macapaar alyas Kumander Bravo ng 102nd Base Command ng MILF. Gayon pa man, pansa­mantalang hindi muna tinukoy ni de Leon ang mga pangalan ng MILF renegades dahil baka buweltahan pa ang pamilya at mga kamag-anak ng mga ito nina Commander Bravo. Patuloy namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong MILF. (Joy Cantos)

4 holdaper kumana sa bus

KIDAPAWAN CITY – Muling nagsagawa ng modus operandi ang mga armadong kalalakihan makaraang holdapin ang mga pasahero ng aircon bus sa highway ng Brgy. Dalingaoen sa bayan ng Pikit, North Cotabato noong Sabado. Ayon sa police report, sumakay ang apat na kalalakihan sa Eric Bus Liner sa bisinidad ng public market ng Pikit, at pagsapit sa hangganan ng mga Ba­rangay Batu­lawan at Dalingaoen ay nagdeklara ng hol­dap ang apat. Napag-alamang nilimas ng mga holda­per ang mga personal na gamit at cash ng mga pasahero kabilang na ang drayber na si Bebiano Tioto Florenza at ang konduktor na si Marcos Bucag Calalin. Matapos mangholdap ay bumaba ang apat na kalalakihan sakay ng habal-habal motorcycle patungo sa direksyon ng Brgy. Balatikan, Pikit. (Malu Manar)

Kampo ng NPA nakubkob

KIDAPAWAN CITY –  Nakubkob ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army ang training camp ng mga rebeldeng New People’s Army sa liblib na bahagi ng Sitio Sibug sa Barangay Bacung sa bayan ng Tulunan, North Cotabato, noong Lunes ng umaga. Ayon sa kumander ng 57th IB na si Col. Milfredo Meligrito, naitaboy nila ang mga rebeldeng bagong rekrut ng Front 72 Far South Regional Command. Napag-alamang napatay ang isang rebelde na nakilalang si Jimmy Camin na gumagamit ng alyas “Ka Adonis” na residente ng Magsaysay sa Davao del Sur. Ayon pa kay Meligrito, pinagpupugaran ng mga rebelde ang nabanggit na lugar para mangalap ng revolutionary tax sa mga resi­dente at negosyante. (Malu Manar)

51 kawani ng Hanjin sugatan

SUBIC, Zambales – Apat na kawani ng Hanjin Heavy Industries ang malubhang nasugatan habang 47 iba pa ang sugatan makaraang mahulog sa malalim na creek ang kanilang shuttle bus na nakipagkarera sa dalawang bus sa kahabaan ng Access Road sa Barangay Cawag, Subic, Zambales kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga biktimang nasa malubhang kondisyon na ginagamot sa St. Jude Family Hospital ay sina Joan Guin­to ng Brgy. Baraca; Melmer Fontillas ng Brgy. Wawan­due; Darwin Abella ng Brgy. Cawag; at si Kaime Legaspina ng Brgy. Matain, Subic, Zambales.

Nasa San Marcelino Hospital naman ang 17 iba pang sugatan habang sumuko naman ang drayber ng bus (RHA 249) na si Jericho Liego matapos tumakas.

Base sa ulat nakarating kay P/Senior Supt. Rolando Felix, binabagtas ng shuttle bus na may lulang 51-trabaha­dor ng Hanjin nang maganap ang sakuna matapos na maki­pag­karera sa dalawa pang shuttle bus. (Alex Galang)

AYON

BRGY

BUS

INFANTRY BATTALION

KUMANDER BRAVO

MALU MANAR

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with