^

Probinsiya

2 mag-aaral nilamon ng ilog

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Dalawa sa anim na mag-aaral na sinasa­bing nagkayayaang mag-swimming sa ilog ang ini­ulat na nalunod noong Bi­yer­nes ng tanghali sa ba­yan ng Calauan, Laguna.

Natagpuan may ilang metro lamang ang layo sa pinaglanguyan ang kata­wan ng mga biktimang sina Noriel Toyor, 10, grade 1; at Ian Patrick Bunilas, 10, grade 3 na kapwa mag-aaral sa San Marcos Elementary School at resi­dente ng Barangay San Mateo, San Pablo City.

Sa police report na naka­ rating kay P/Senior Insp. Anthony Gantang, lumilitaw na nagtungo ang magka-ka­klase sa Kipot River sa may Ba­rangay Imok para kumuha sana ng ube at kuhol.

Habang nangunguha ng ube at kuhol ang mga mag-aaral, humiwalay sina Toyor at Bunilas para mag-swimming sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa tangayin ng malakas na agos kung saan namataan pang kumakaway para hu­mingi ng tulong hanggang sa tuluyan lamunin ng tubig. Arnell Ozaeta

ANTHONY GANTANG

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN MATEO

BUNILAS

IAN PATRICK BUNILAS

KIPOT RIVER

NORIEL TOYOR

SAN MARCOS ELEMENTARY SCHOOL

SAN PABLO CITY

SENIOR INSP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with