^

Probinsiya

P5.4M kontrabando nasamsam

-

Subic Bay Freeport – Tinatayang aabot sa P5.4 milyong halaga ng kontra­bando na sinasabing tang­kang ipuslit ang nasabat sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Presidential Anti Smuggling Group-Task Force Subic at lokal na pulisya sa bahagi ng Barangay Nagbalayong sa bayan ng Morong, Bataan.

Sa ulat ni Maj. Manuel Hiadan Jr., hepe ng PASG –TFS na nakarating kay PASG Chief Usec. Antonio Villar Jr., ang nasabat na kon­trabando na nasa 130 ka­hon na imported na siga­rilyo ay naka-consigned kay Mei Jocson ng #2536 Molave St., Nerabel Subd., Ma­balacat, Pampanga.

Sumasailalim na sa tactical interrogation sina Alvin Mamangon at Ramos San­tos na kapwa drayber ng kulay puting Mitsubishi L-300 van (TFX 823) at kulay asul na Hundai Grace van (RES 874), samantalang tugis naman ng mga awto­ridad ang isa pang drayber ng kulay berdeng van.

Nasabat ang milyong halaga ng kontrabando matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may ipupuslit na imported na sigarilyo palabas ng Subic Bay Freeport.

Binigyan naman ng ko­mendasyon ni PASG Chief Usec. Antonio Villlar ang pangkat ni Major Haidan. Alex Galang

ALEX GALANG

ALVIN MAMANGON

ANTONIO VILLAR JR.

ANTONIO VILLLAR

BARANGAY NAGBALAYONG

CHIEF USEC

HUNDAI GRACE

MAJOR HAIDAN

MANUEL HIADAN JR.

SHY

SUBIC BAY FREEPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with