^

Probinsiya

Aircon bus hinoldap

-

BATAAN – Isa na na­mang pampasaherong air­con bus na may lulang 27 pasahero ang iniulat na hinoldap ng mga di-pa ki­lalang kalalakihan sa Roman Superhighway sa Be­verly Heights, Barangay Mambog, Hermosa, Bataan kamakalawa ng gabi.

Sa police report na naka­ rating kay P/Senior Supt. Manuel Gaerlan, provincial police director, nagdeklara ng holdap sa mga pasahero ng Bataan Transit Bus (CWW 437) ang apat na armadong kalala­kihan pagsapit sa na­ banggit na barangay.

Matapos na makulimbat ang mga personal na gamit at salapi ng mga pasahero at cash money ng konduktor ay bumaba ang isang hol­daper sa panulukan ng Abucay Café at ang tatlo naman ay bumaba sa kanto ng Brgy. San Jose, Balanga City.

Samantala, sinisi naman ni Gaerlan, ang driver ng bus na si Crisanto Garcia at konduktor na si Michael Dacumus dahil nagsakay ito ng pasahero sa hindi itina­lagang mga bus station ng pulisya.

Napag-alamang may kasunduan ang lahat ng management ng bus na may biyaheng Manila-Bataan na ipinatutupad kaugnay sa Bataan Integrated Bus Stop System.

“They are not supposed to pick-up commuters in unsecured areas, we are monitoring and inspecting commuters at designated bus stops,” pahayag ni Gaerlan. Jonie Capalaran

vuukle comment

ABUCAY CAF

BALANGA CITY

BARANGAY MAMBOG

BATAAN INTEGRATED BUS STOP SYSTEM

BATAAN TRANSIT BUS

BUS

CRISANTO GARCIA

GAERLAN

JONIE CAPALARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with