^

Probinsiya

Tinedyer nakuryente sa sunog

-

CEBU – Isang 17-anyos na lalaki ang iniulat na na­matay matapos na makur­yente habang sinisikap na apulahin ang apoy na tu­mu­pok sa bahay ng kani­yang amo sa Barangay Poblacion-II, Carcar City, Cebu noong Lunes nang gabi. Kinilala ang nasawi na si Mark Anthony Alesna, kasambahay ng negos­yanteng si Dante Alcorisa. Ayon kay FO1 Teodoro Lauglaug ng Carcar Fire Sub-Station, nagmula ang apoy sa ikalawang palapag ng tahanan ng pamilya Alcorisa matapos na maka­rinig ng pagsabog kaya na­damay ang ilang kabaha­yan at palengke sa na­bang­git na barangay. Na­pag-alamang kumuha ng timba at tubig ang biktima saka binuhusan ang apoy, subalit ‘di-namalayan na ang talop na linya ng kur­yente ay kanyang natapa­kan kaya naganap ang pag­salubong ni kamata­yan. Kaagad naman inila­bas ng mga kapitbahay ang biktima at sinubukang dalhin sa Carcar City District Hospital subalit idinek­lara itong patay. (Edwin Ian Melecio)

vuukle comment

ALCORISA

BARANGAY POBLACION

CARCAR CITY

CARCAR CITY DISTRICT HOSPITAL

CARCAR FIRE SUB-STATION

DANTE ALCORISA

EDWIN IAN MELECIO

MARK ANTHONY ALESNA

SHY

TEODORO LAUGLAUG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with