Sinulog suicide
Dahil sa kabiguang makadalo sa Sinulog Festival, nagbigti ang isang 27-anyos na mister sa kanilang tahanan sa Brgy. Asawang Calero, Cebu City, Cebu kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Rolando Canoy ng Tupaz Street sa nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, bago nag-suicide ay nakiusap si Canoy ng kaniyang mga magulang na dadalo sa Sinulog kaugnay ng kapiyestahan ng Sto. Niño sa Cebu noong Linggo ng Enero 18.
Gayon pa man, dahil sa walang maiiwang tao sa kanilang bahay ay hindi ito pinayagang umalis ng kaniyang mga magulang.
Matapos ang okasyon, nang umuwi ang mga kasambahay ng biktima mula sa pagdalo sa Si nulog festival ay laking gulat ng mga ito nang makitang nakabitin na ang biktima sa kisame ng kanilang bahay.
May teorya ang mga magulang, na nagtampo si Canoy nang hindi siya payagang sumama sa mga barkada upang manood ng kapistahan dahil sa pangambang masangkot ito sa gulo.
Wala namang nakitang foul play ang pulisya sa pagpapakamatay ng biktima. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending