Barangay naging 'ghost town'

Nagmistula na ngayong ghost town ang Barangay Sangay sa Kalamansig, Sultan Kudarat matapos na magsilikas ang mga resi­dente nito sa takot na ma­ipit sa bakbakan ng mga sun­ dalo ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front.

Kinumpirma ng taga­pagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na si Col. Julieto Ando na wala na ni isa mang resi­dente ma­liban na lamang sa nakade­ploy na mahigit 100 sundalo sa Sangay.

Ang Barangay Sangay ay inatake ng MILF rogue elements na nasangkot sa pa­nu­nunog ng mga kaba­hayan sa lugar, paninira ng mga pa­nanim at mga ala­gang hayop ng mga Kris­tiyanong nanini­rahan dito na karamihan ay mga mag­sasaka.

Sinabi ni Ando na sa ka­bila ng nagsilikas na ang mga residente ay hindi pa rin pa­awat ang mga re­belde sa pa­nununog ng mga kabahayan kaya na­kadeploy pa rin dito ang mga tauhan ng 63rd Division Recoinassance Company upang mapigilan ang mga pag-atake.

Nabatid na umaabot sa 500 pamilya o kabuuang mahigit 20,000 katao ang napilitang magsilikas sa lugar sa takot sa isina­sagawang pangha-harass ng pasaway na separa­tistang grupo. (Joy Cantos)

Show comments