P.9M gamit-medikal ninakaw
BATANGAS CITY – Tinatayang aabot sa P.900-milyong halaga ng mga medical equipment mula sa Batangas Regional Hospital ang iniulat na ninakaw ng mga di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Dr. Renato Dima yuga, director ng BRH, ninakaw ang tatlo sa 10-cardiac monitor na nagkakahalaga ng P.3 milyon bawat isa.
Lumitaw sa imbestigasyon na nakapasok ang tatlo hanggang apat-katao sa kisame ng ospital at lumabas sa loob mismo ng ICU room kung saan nakatago ang mga medical equipment.
Nadiskubre ang pagkawala ng mga gamit-medikal nang may kukumpunihin sana ang isang engineering staff ng os pital sa ICU room.
May teorya si P/Supt. Manuel Abu, hepe ng pulisya sa Batangas na inside job ang isa sa anggulo ng nakawan kaya nag-utos ito na isailalim sa imbestigasyon ang mga kawani at construction worker na nagtatrabaho sa annex building ng ospital.
Ayon kay Dr. Dimayuga, nakatakda sanang inagurahan sa Pebrero 14 (Valentine’s Day) ang bagong gawang ICU room na may 10 yunit ng cardiac monitor.
Minomonitor naman ng pulisya ang ibang ospital sa Batangas at karatig pook na posib leng pagbentahan ng mga ninakaw na cardiac monitor. Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending