Tiyahing mangkukulam dinedo ng pamangkin
BANGUED, Abra – Napaslang ang isang 78-anyos na pinaniniwalang mangkukulam makaraang barilin ng kanyang pamangkin noong Lunes ng gabi sa Barangay Zone 3 sa bayan ng Bangued, Abra.
Ayon kay P/Senior Supt. Alexander Pumecha, Abra police director, walang kinalaman sa politika o private armed groups ang pamamaslang sa biktima kundi paghihiganti ang pangunahing dahilan.
Bandang alas-9:45 ng gabi nang barilin at mapatay ang biktimang si Florencia Barbosa, ng suspek na si Manny Barbosa, 25, sa Agoncillo St., ng nabanggit na barangay.
Naaresto naman ang suspek na umamin sa krimen kung saan pinatay ng biktima ang ina sa pamamagitan nang kulam na kung tawagin ay mangkekedet
Sinisi ng suspek ang kanyang tiyahin na sinasabing mangkukulam ang pagkakasakit ng kanyang ina hanggang sa ito ay mamatay.
Ayon sa matatandang kasaysayan, ang mangkekedet, ay naglipatan sa ilang bayan sa Abra at Mt. Province kung saan ang mga biktima ay kinakapitan ng kakaibang sakit hanggang sa ito ay mamatay partikular na ang mga dayuhang bumibisita sa liblib na kanayunan ng Kalinga. (Artemio A. Dumlao)
- Latest
- Trending