Mag-syota minasaker

BULACAN — Trahed­ya ang sumalubong sa ikaapat na araw ng Ba­gong Taon makaraang pas­langin ang mag-syota sa loob ng kanilang kotse sa likurang bahagi ng ka­pilya sa Richmond Subd. sa Barangay Bahay-Pare, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Magkayakap pa nang ma­tagpuan ang mga bik­ti­mang sina Jayson Her­nan­dez 30, ng Barangay Maru­las, Valenzuela City; at Catherine Esteban, 22, ng Barangay Tugatog sa ba­yang nabanggit.

Si Hernandez ay ne­gosyante ng taxi ha­bang si Esteban naman ay ba­rangay kagawad ng ka­nilang lugar.

Ayon sa pulisya, ang da­­­lawa ay natagpuan sa loob ng kulay silver na Mit­subishi Lancer na may pla­kang ZHM188 na naka­parada sa likuran ng ka­pilya bandang alas-6 ng umaga.

Kapwa may masking tape ang mukha na may tama ng bala sa ulo at ini­wang nakaupo sa liku­rang bahagi ng na­sa­bing kotse.

Ayon sa mga residente ng Richmond Subdivision, wala silang narinig na putok ng baril bago natag­puan ang dalawa.

May teorya ang pulisya na pinaslang ang dalawa sa ibang lugar at inaban­dona lamang sa na­banggit na barangay.

Isinaisantabi ng pulisya ang angulong pagnanakaw dahil sa walang nawalang mga mahahalagang gamit ng dalawa sa loob ng sa­sakyan.

Sinisilip naman ng mga imbestigador ng pulisya ang motibo na may kaug­nayan sa negosyo, pulitika at love triangle. 

Show comments