Misis pinatay sa sakal ng rapist

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Brutal na ka­matayan ang sinapit ng isang misis na sinasabing pinatay sa sakal ng mag­pinsang rapist kamaka­la­wa ng hapon sa Baran­gay Sio­ron sa bayan ng Gig­mo­to, Catanduanes.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang pasukin ang bahay ng biktimang si Ana­lyn Tumalin na sinasabing ti­nang­kang halayin subalit nanlaban sa mga suspek na sina Victorino Carranza at Sil­vestre Ternida.

Ayon sa pulisya, naiwan ang biktima na nag-isa sa bahay habang ang mister nito ay nasa trabaho.

Napag-alaman na bago mamatay ang biktima ay na­ka­pag-iwan ito ng pala­tan­daan sa dalawang rapist na kapwa may kalmot sa ka­nilang leeg.

Sa follow-up operations ng pulisya, naaresto ang da­ la­wang suspek na may mg kal­mot sa leeg ng kuko ng bik­tima

Samantala, isa pang mi­sis ang iniulat na pinag­ka­wan na ay hinalay pa ng isang 19-anyos na lalaki sa Ba­rangay San Lucas sa bayan ng Ca­maligan, Ca­marines Sur, ka­hapon ng madaling-araw.

Naaresto naman ang sus­­pek na si Roger San Lo­renzo matapos ipagbi­gay-alam ng biktima sa pulisya.

Hindi naman nabatid sa police report kung na­re­kober sa suspek ang nina­kaw na cell phone at tele­bisyon ng biktima. (Ed Ca­sulla)

Show comments