^

Probinsiya

Mag-aama, 4 minasaker ng MILF

- Nina Joy Cantos at Malu Manar -

Malagim na kamatayan ang naging Bagong Taon ng apat na mag-aama ma­ka­raang ratratin ng mga re­beldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Ampatuan, Ma­guindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga na­pas­lang na sina Renato Hong­ko at mga anak nitong sina Isaias, Lino, at Jasper Hong­ko na pawang resi­dente ng Barangay Imbak sa bayang nabanggit.

Batay sa ulat na naka­rating sa Camp Crame, sinasabing pinasok ng mga armadong rebelde ang ta­hanan ng mag-aama, pa­sado alas-7 ng umaga ka­hapon.

Itinaong nag-aalmusal ang mga biktimang saka pinagbabaril ng mga re­belde bago nagsitakas patungong balwarteng teritoryo ng MILF rebels.

Patuloy naman ang im­bestigasyon ng mga aw­toridad sa naganap na trahedya upang mabigyang hustisya ang apat na mag-aama.

Samantala, kung hindi kikilos ang pamahalaan para pigilan ang mga pag-atake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front laban sa mga si­bilyan, posibleng muling sumiklab ang giyera sa North Cotabato at sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Ito ang sinabi ni Cota­bato Vice Governor Manny Pinol sa kanyang ipina­labas na statement noong Linggo, kasunod ng mga pag-atake ng MILF sa da­lawang bayan sa nabanggit na lalawigan.

Kabilang sa mga ba­yang sinalakay ng grupo nina MILF Kumander Kid at Kagui Bayan noong Linggo ay ang bayan ng Tulunan, Alameda, Banisilan at ang bayan ng M’Lang sa North Cotabato na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo-katao na mga naninirahan sa Sitio Pedtad sa Brgy. Li­paga, M’Lang.

Hinamon din ni Pinol ang mga peace advocates sa Mindanao na i-doku­mento nila ang mga pangha-harass ng MILF sa mga sibil­ yan, tulad ng nangyari sa bayan ng Tulunan at sa Banisilan.

vuukle comment

BANISILAN

BARANGAY IMBAK

CAMP CRAME

JASPER HONG

KAGUI BAYAN

KUMANDER KID

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with