^

Probinsiya

Sulyap balita

-

Mag-ina ‘di nagpautang, kinatay

Malagim na kama­ta­yan ang sinapit ng mag-ina na sinasabing ‘di-nagpautang maka­raang pagsasak­sakin hanggang sa mapatay ng pinsang lalaki ng misis sa Barangay San Roque sa bayan ng Victoria, Laguna noong Linggo ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Manolito Laba­dor, provincial police director, ang mag-inang sina Carmelita Ramos at anak nitong Neil Carlo Ramos. Bandang alas-7 ng umaga nang ma­tag­­puan ang duguang bangkay ng mag-ina sa loob ng ka­nilang tahanan. Sa follow-up operations ng pulisya, ay nasakote naman ang suspek na si Eulo­gio “Luigi” Sancon, 32. Lumitaw sa imbesti­gasyon na nagtungo ang sus­pek sa bahay ng mag-ina para ma­ngutang ng pera, su­balit tumanggi si Car­melita na bigyan ng pera ang suspek dahil gagamitin nila ang na­itatagong salapi na panghanda sa pagsa­lubong sa Bagong Taon. Bunsod nito, ay na­galit ang suspek at isinagawa ang krimen. (Joy Cantos at Ed Amoroso )

3 katao dinedo ng MILF

KIDAPAWAN CITY – Tatlo-katao ang iniulat na napaslang makaraang tambangan nang mga armadong kalalakihan na sinasabing mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa bisinidad ng Barangay Bagumbayan sa bayan ng Tulunan, North Cotabato noong Linggo ng umaga. Kabilang sa mga napatay ay sina Noel Penuela, Gilbert “Utol” Rafael, kapwa tanod ng Barangay Lipaga sa bayan ng M’lang; at ang dating kagawad ng Barangay Lipaga na si Romy Parin. Ayon kay M’lang Mayor Joselito Pinol, lumilitaw na pinasok ng mga biktimang armado ng malalakas na kalibre ng baril na kasama si Barangay Ca­si­pe Casipe, ang nabanggit na barangay para kumpir­mahin doon natatago ang mga kawatan ng kalabaw mula sa Sitio Pedtad sa Brgy. Lipaga. Subalit habang papasok sa erya, ang mga biktima ay sinalu­bong sila ng sunud-sunod na putok ng baril ng mga rebelde na pina­niniwalaang grupo ni MILF Kumander Kagui Bayam ng 108th Bangsamoro Islamic Armed Forces. (Malu Cadelina Manar )

Rapist ng 3 anak, tiklo

BULACAN – Kalaboso ang binagsakan ng isang ama na isinasangkot sa panghahalay laban sa kanyang tatlong anak na babae sa Barangay Tibagin sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Pormal na kina­su­han ni P/Supt. Anselmo Baluyot, hepe ng pulisya ng naturang bayan, ang suspek na si Miguelito Francisco, 44. Base sa police report, nadiskubre ang krimen matapos malaman ng ina na hinalay nito ang bunsong anak na babae kaya lumutang na rin ang dalawang iba pa. Kaagad na dumulog sa himpilan ng pulisya ang ina ng tatlo kaya naaresto ang suspek. (Romeo “Boy” Cruz)

vuukle comment

ANSELMO BALUYOT

BAGONG TAON

BANGSAMORO ISLAMIC ARMED FORCES

BARANGAY

BARANGAY BAGUMBAYAN

BARANGAY CA

BARANGAY LIPAGA

BARANGAY SAN ROQUE

BARANGAY TIBAGIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with