Mag-ina kinatay, mister nagbigti
Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang mag-ina ng kanyang mister saka nag-suicide matapos ang krimen sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.
Sa phone interview, kinilala ni P/Senior Supt. Mariano Natuel, director ng Lapu-Lapu City PNP, ang nasawing mag-ina na sina Hazel Jimenez, 21 at ang 5-anyos nitong anak na si Desiryl.
Samantala, nag-bigti naman ang lalaki na si Joel Pepito, 32, sa loob ng kanilang tahanan.
Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na naghinala ang mister na may kinahuhumalingan na ibang lalaki ang kaniyang live-in partner na kasamahan nito sa trabaho na nasagap nito sa ilang kumakalat na tsismis sa kanilang lugar.
Bago naganap ang krimen ay hindi miminsang sinabi ng mister na mamatamisin pa niyang mamatay si Hazel kaysa pakinabangan at mapunta ito sa ibang lalaki.
Nabatid na tinangka ng mister na magbaril sa sen tido pero hindi pumutok ang baril kaya nagbigti na lamang ito. (Joy Cantos )
- Latest
- Trending