3 mag-uutol nalason
Tatlong mag-uutol na estudyante ang nalason sa pagkain na inihanda sa ginanap na Christmas party ng kanilang eskuwelahan sa Davao City, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Divina Evangelista, 20; Angelina, 14; at si Felipe, 14; pawang nakatira sa Barangay 23-C, Isla Verde Boulevard, Davao City.
Napag-alamang iniuwi ng tatlo ang natirang bihon at cake mula sa Christmas party ng kanilang eskwelahan at ilang oras pa lamang kumain ay nag-umpisang sumakit ang tiyan, nahilo at nagsusuka ang mga biktima.
Sa inisyal na pagsusuri ng mga doctor, ay lumilitaw na nalason sa napanis na pagkain ang tatlo kung saan nagpapagaling sa ospital.
Nauna ng nagbabala ang Department of Health Region 11 sa publiko na mag-ingat sa pagkain lalo na sa mga tira-tira dahil karaniwang ito ay siyang pinag-mumulan ng mga bacteria. Joy Cantos
- Latest
- Trending