Kabesa, mag-utol nilikida
NUEVA ECIJA – Tatlo-katao kabilang ang isang barangay chairman ang iniulat na napaslang makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay San Francisco sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija noong Lunes ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ba rangay Chairman Guillermo Bernardo, 48, ABC president ng Sto. Domingo; ex-Barangay Chairman Dionisio Santos, 59; at kapatid nitong si Evangeline de Guzman, 51, pawang mga residente ng Barangay San Francisco.
Kabilang naman sa mga sugatan na ngayon ay nasa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital ay sina Celso Aquino, 42, ingat-yaman ng barangay; Louie Florez, 20; at si Adrian Reña, 17.
Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, Nueva Ecija police director, lumilitaw na binabantayan ng mga biktima ang pagpapagawa ng maliit na chapel nang huminto ang isang kulay asul na Mitsubishi Lancer na walang plaka.
Bumaba ang mga kalalakihang sakay ng kotse at nagsimulang mamamaril sa direksyon ng mga biktima.
May teorya ang pulisya na nadamay lamang sa krimen ang mag-utol na Santos at De Guzman na sinasabing nag-donate ng lupang kinatitirikan ng chapel. Christian Ryan Sta. Ana
- Latest
- Trending